The No.1 Philippine based Peso Auction Site

Una, ang PisoBid.com ang numero uno at ang kauna-unahang online auction site sa Pilipinas. Maaring narinig mo na ang penny auction sites sa ibang bansa. Ang Japan at Korea ay may maraming sites na ganito ang tema. Ngayon, mayroon na ding sariling penny auction site (o kaya mas angkop sigurong tawaging piso auction site) sa Pilipinas.

Pangalawa, ang online shopping na auction style ay bagong karanasan na kakaengganyong subukan. Eto ay kakaibang karanasan na pinaghalong shopping, katuwaan, at estratehiya. Ang kelangan lang gawin ay maging miyembro, kargahan ng bid credits ang account, at siyempre, magbasa at magresearch upang mapag-aralang maige ang proseso. Pag-aralan at obserbahan kung paano ginagawa ang pagbid para hindi lang maging nakakatuwa ang bagong karanasan na eto kung di maging matagumpay din.

Pangatlo, ang PisoBid ay hindi scam. Ang PisoBid ay isang lehitimong online shopping at libangang site. Hindi sila gumagamit ng mga tinatawag na bots o kaya mga pekeng miyembro upang maki-alam sa proseso ng bidding. Napakarami na ng nanalo ng ibat-ibang gadgets, gift certificates, vacation getaways, at iba pa. Makikita mo ang picture at video ng mga nanalo sa Facebook page ng PisoBid http://www.facebook.com/pisobid at saka sa Twitter http://twitter.com/#!/pisobid at sa YouTube.

Pang-apat, puwede kang makahanap ng mga bagong kaibigan. Sa PisoBid, marami kang makikilala na mga taong kapareho mo ng mga kinagigiliwang bagay. May Facebook fan page din ang PisoBid kaya puwede mong puntahan at basahin ang mga impormasyon, mga promo, at mga komento. Pag may mga tanong o kaya pakiusap ka, puwede mo ding i-post sa wall. May ibang mga rehistradong miyembro na tumutulong sa mga baguhang miyembro at tinuturuan sila sa pagrehistro at pag-bid. Magandang paraan upang makahanap ng mga bagong kaibigan, pero siyempre kelangan tandaan na maging maingat sa pakikipagkaibigan sa internet.

Ang panglima at pinakamahalaga, makakapagshopping ka ng mga de-kalidad at branded na produkto sa napakamurang halaga. Saan ka pa ba makakakita at makakabili ng mga tunay at branded na produkto na may 99% na discount. Makakabili ka siguro ng imitasyon na HD TV sa halangang sampung pisong libo, pero ang isang nanalo sa PisoBid ay nabili nya ang tunay na Panasonic HD TV sa halagang 72.09 pesos lang.

Ang Panasonic TV na 46 ay nabibili sa halagang 60,000 pesos. Idagdag man ang halaga ng pinambili ng bid pack, sabihin na natin na bumili ka ng 100-bid pack na 1000 pesos, napakamura pa rin ng 1072.09 pesos kumpara sa original na presyo.